-- Advertisements --
pnp

Ininhayag ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na magkakaroon ng balasahan sa ilang opisyal ng PNP.

Kasunod ito ng pagreretiro ni Police Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo sa The Deputy Chief for Administration (TDCA).

Paliwanag ni Azurin, ang naturang balasahan ay dahil sa pagkakabakante ng ilang posisyon sa TDCA dahil sa pag-akyat at paglipat sa ibang posisyon ng ilang opisyal dito.

Ibinahagi rin niya na inirekomenda rin niya sina Area Police Command Visayas Chief Police Lt. Gen. Rodel Sermonia, PNP Deputy chief for Operations Police Maj. Gen. Benjamin Santos, at The Chief, Directional Staff Police Maj. General Arthur Bisnar sa National Police Commission para naman ma-endorso na ang pag-angat ng mga posisyon sa PNP ng mga ito sa pangulo.