-- Advertisements --

Mariing tinutulan ni Senate Energy Committee Chairman Sen. Win Gatchalian ang posibilidad nang pagsasara ng refinery ng Petron Corporation sa Limay, Bataan dahil sa malaking lugi nito bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sa oras daw kasi na tumigil ang operasyon ng nasabing oil refining company ay maraming Pilipino ang mawawalan ng trabaho.

Dahil dito ay nananawagan si Gatchalian sa pamahalaan na gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang siguraduhin na makaka-survive ang naturang kumpanya para na rin maisalba ang trabaho ng kanilang mga empleyado.

Ayon sa senador, hindi ngayon ang tamang panahon para magsara ang mga negosyo dahil masyado itong crucial para sa ekonomiya ng bansa. Mahalaga rin aniya na panatilihin ang kabuhayan ng mga manggagawa sa gitna ng pandemic na hatid ng coronavirus disease.

Malaki rin umano ang dulot ng Petron refinery sa industriya para i-develop at gawing industialized ang Pilipinas.

Kahit pa raw hindi magdudulot ng negative price outcome para sa mga konsyumenr ang oversupply ng langis sa global market ang pansamantalang pagsasara ng nasabing refinery, ay magkakaroon naman ng energy security implications ang tuluyang pagsasara nito.

Mas magiging dependent aniya ang bansa sa mga imports para sa petroleum products.

Batay sa datos mula Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-IMB) ay kalahati ng kabuuang total refinery production ng Pilipinas o 59.5 percent nito noong nakaraang taon ay mula sa Petron.

Sa parehong taon din ay nabatid na nakapag-supply ang refinery ng Petron ng nasa 20.61 percent ng total demand ng bansa para sa petroleum products.

Una nang isiniwalat ni Petron President at Chief Executive Officer Ramon Ang ang isyu sa mga unresolved taxes nito sa gobyerno at malaking lugi mula sa pagbebenta ng finished fuel noong panahon ng price fluctuations sa global oil market.