-- Advertisements --

Naglabas ng Tropical Cyclone Advisory No. 1 ang state weather bureau, kaugnay sa pagbuo ng Low Pressure Area sa silangan ng Visayas bilang Tropical Depression Haishen.

Ayon sa ulat, ang sentro ng bagyo ay matatagpuan sa layong 1,265 kilometro silangan ng Eastern Visayas, at kasalukuyang nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Kung papasok sa karagatang sakop ng PH, bibigyan ito ng local name na Julian.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa sentro, may pagbugso hanggang 70 km/h.

Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 30 km/h.

Bagama’t wala pang direktang epekto sa bansa, pinaaalalahanan ng mga eksperto ang publiko na patuloy na mag-monitor sa mga susunod na bulletin lalo na’t posibleng magbago ang direksyon at lakas ng bagyo.

Ang advisory ay epektibo hanggang sa susunod na abiso ngayong gabi, 11:00 PM.