-- Advertisements --
image 147

Posibleng hindi na magkaroon ng panibagong COVID-19 surge sa Pilipinas sa gitna ng plano ng gobyerno na pagluluwag sa border restrictions para sa mga foreign travelers.

Paliwanag ni Dr. Ted Herbosa, ang dating national Task Force against covid-19 special adviser at University of the Philippines-Philippine General Hospital Emergency Medicine chair na posibleng magdulot ng panganib ang pagluluwag sa border restrictions subalit maiiwasan ang hawaan ng virus kapag ipagpapatuloy pa rin ang striktong pagsunod sa minimum public health standards.

May tyansa din aniya na makapasok ang iba pang variants ng covid-19 sa bansa at kapag hindi pa nainfect ng partikular na variant may posibilidad din na madapuan ng sakit subalit kapag bakunado na at nainfect sa virus, mild lamang ang sintomas dahil sa immune protection mula sa bakuna. Dagdag pa dito ang pagsusuot ng face mask, maaaring hindi na tayo makaranas pa ulit ng covid-19 outbreak sa bansa.

Sa ngayon, ayon sa health expert, pinag-aaralan na ang posibilidad na pagluluwag ng border restrictions sa bansa at pagpapahintulot sa pagpasok ng lahat ng mga banyaga at ang plano na ibigay sa airline companies ang pag-beripika sa medical status mga biyahero.