-- Advertisements --

Sasailalim kaagad sa operasyon ang big man ng Portland Trailblazers na si Robert Williams III dahil sa kanyang tinamong injury sa kanyang kanang tuhod.

Ang naturang injury ay nakuha sa naging banggaan ng Memphis Grizzlies at Portland nitong araw ng Lunes.

Bagaman hindi pa malinaw sa ngayon kung anong surgery ang kailangang pagdaanan nito, posibleng matagalan umano bago makakabalik ang defensive specialist ng Portland.

Ang kanang tuhod na nagtamo ng injury ngayong season ay siya ring tuhod na nagtamo ng injury sa nakalipas na season.

Sumailalim din siya sa surgery noon, na naging dahilan ng pagkakalimita ng kaniyang paglalaro sa kabuuan ng season.

Nakapaglaro lamang siya ng kabuuang 35 games sa naturang season.

Si Williams ang dating nagsilbing defensive center ng Boston Celtics noong 2022 kung saan nakapasok sa finals ang Boston ngunit tuluyan ding natalo sa Golden State Warriors.

Napunta siya sa Portland bilang bahagi ng Jrue Holiday trade.

Sa paglalaro niya sa Portland, mayroon siyang naitalang average na 6.8 points, 6.3 rebounds, at 1.2 blocks per game. Ito ay sa loob lamang ng 20 mins per game na kanyang paglalaro.

Maalalang nitong araw ng lunes ay tinalo ng memphis ang Portland sa score na 112 – 100.

Ang naging panalo ng Memphis ay ang unang naitalang panalo ng Memphis sa kabuuan ng 2022 – 2023 season