Sa kulungan ang bagsak ng isang pornstar sa Spain kasunod nang pagkamatay ng isang lalaki dahil sa umano’y pagpapalanghap nito sa biktame ng psychedelic toad venom.

Kinilala ng mga otoridad ang suspek na si Nacho Vidal, media-savvy porn star, habang ang biktima naman ay ang fashion photographer na si Jose Luis Abad.

“The police operation began following the victim’s death during the celebration of a mystic ritual based on the inhalation of venom of the bufo alvarius toad,” saad sa inilabas na pahayag ng pulisya.

Ang palaka na ginamit umano para sa kakaibang ritual ay matatagpuan sa Sonoran Desert. Ito ay naglalabas ng lason na mayroong natural psychedelic substance na mas kilala bilang 5-MeO-DMT.

Ang epekto nito ay maihahalintulad sa ayahuasca, isang hallucinogenic concoction mula sa Amazon na siya namang ginagamit sa ritual ng mga shaman.

Nakulong na noong nakaraang lingo sa rehiyon ng Valencia ang suspek dahil naman sa koneksyon nito sa pagkamatay din ng isang lalaki noong Hulyo 2019.

Nabatid din umano ng mga imbestigador na regular na ginagawa ang ganitong ritual bilang gamot.