
Inihayag ni US Secretary of State Mike Pompeo na inihahanda na ng Estados Unidos at European Union ang pakikipag-usap nila sa China.
Sinabi ito ni Pompeo sa isang online event na pinangasiwaan ng think-tank. Tinanggap na aniya ang naturang proposal mula EU.
Dagdag pa nito na ilang senior officials ang nakatakdang talakayin ang kanilang pagkabahala hinggil sa dulot na panganib ng China sa West.
Magsisimula umano ang pag-uusap ng magkabilang panig sa mga susuunod na linggo at pinaplano rin daw ni Pompeo na magpunta ng Europe para rito.
Mainit na usapin pa rin ang pagpapanatili ng kalayaan at demokrasya, ayon sa secretary of state. Maaari rin umanong simulan ng Amerika at EU ang pagbabahagi sa isa’t isa ng kanilang pag-intindi sa banta na dulot ng Chinese Communist Party.
Nababahala rin umano ang EU sa ginagawang pagkontrol ng China sa Hong Kong sa kabila ng COVID-19.










