-- Advertisements --

Naglunsad ang Saudi Arabia ng airstrike laban sa Houthi rebels sa may port city ng Hodeida sa Yemen at karatig na isla.

Kasunod ito nang anunsiyo ng grupo na maritime blockade at pag-atake sa mga barko ng Saudi.

Nitong umaga ng Sabado, iniulat ng media ng Houthis na nagdulot ang missile strike ng Yemen ng sunog sa Saudi city ng Jizan.

Samantala, sinabi ng US military na pinaputukan at na-disable nila ang isang tanker ship sa Gulf of Oman na nagtangkang matakasan ang US blockade sa Iranian ports.

Ang barkong inatake ng U.S. ay ang ikalawang commercial ship na na-disable mula nang muling ipatupad ang blockade sa unang bahagi ng Hulyo.