Napigilan ang spike ng COVID-19 sa bansa dahil sa population immunity o mataas na bilang ng mga Pilipinong naturukan ng COVID-19 vaccines sa kabila ng pagpasok ng omicron subvariant XBB.1.5 ayon sa isang infectious disease expert.
Sinabi ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng vaccine expert panel ng gobyerno na ang COVID-19 vaccinations gayundin ang exposures sa coronavirus at sa mga subvariants nito ay nagresulta ng pagtaas ng population immunity.
Iginiit pa ng eksperto na ang pagpasok ng mas nakakahawang omicron subvariant ay nangangahulugan ng pagbabalik ng health protocols gayundin ang pagbili ng updated na mga bakuna para sa vulnerable population.
Base aniya sa preliminary data, walang nakikitang sinyales na magdudulot ito ng sevre infection o severe covid.
Bagamat mayroong bagong omicron subvariants ay mas nakakahawa, ang mga bansang nakapagtala ng XBB.1.5 cases ay nagpapakita lamang ng bahagyang pagtaas sa covid infections.
Ayon sa European Centre for Disease Prevention and Control , ang XBB.1.5 ay offshoot ng XBB subvariant na itinuturing na variant of interest dahil sa laganap na ito sa buong mundo at enhanced immune-evading properties ng naturang subvariant.