Hindi pinalagpas ni Pope Leo ang mga bansang nagpapasimuno ng kaguluhan.
Sa kaniyang homily sa Palm Sunday sa Vatican, sinabi nito na hindi tinatanggap ng Panginoon ang mga dasal ng mga lider na nagpapasimuno ng giyera.
Ito ang naging malalim na kaniyang pahayag sa mga bansang nagpasimuno ng giyera sa Iran.
Dagdag pa nito na walang sinuman ang makakapagtanggol sa nasabing kaguluhan.
Bilang hari ng kapayapaan ay hindi naririnig ni Kristo ang mga dasal na nagpasimula ng giyera dahil puno ng dugo mula sa mga biktima ng giyera ang kanilang mga kamay.
Hindi naman na binanggit ng Santo Papa ang mga bansa na kaniyang tinutukoy.
Magugunitang makailang ulit na nanawagan ang Santo Papa sa mga bansa na dapat magkaroon ng pag-uusap para matapos na ang giyera sa Gitnang Silangan.
















