-- Advertisements --

Bibisita si Pope Francis sa Democratic Republic of Congo at South Sudan sa susunod na taon.

Ang nasabing pagbisita ay kinansela ngayong taon matapos na makaranas ng pananakit sa tuhod ng Santo Papa.

Ayon sa Vatican na isasagawa ng 85-anyos na Santo Papa ang pagbisita sa Congo mula Enero 31 hanggang Pebrero 3 kung saan makakasama niya dito si Archbishop Justin Welby ng Canterbury at Iain Greenshields ang Moderator of the General Assembly of the Church of Scotland.

Matapos nito ay didiretso ang Santo Papa sa South Sudan mula Pebrero 3 hanggan 5.

Ito na ang pang-limang pagbisita ng Santo Papa sa African continent mula ng maupo sa puwesto noong 2023.

Ang pagbisita rin ng Santo Papa ay siyang pang-40 bisita sa ibang bansa.

Noong 1985 kasi ay binisita ni Pope John Paul II ang Congo na sa panahong iyon ay laganap ang pagkakalat ng kriminalidad ng mga armadong grupo.