-- Advertisements --

Posibleng makalabas na sa pagamutan sa mga susunod na araw si Pope Francis.

Ayon kay Vatican spokesman Matteo Bruni na patuloy ang pagbuti ng kaniyang kalusugan.

Pinayagan na rin ng mga doctor nito sa Gemilli hospital sa Rome ang 86-anyos na Santo Papa na makalabas na.

Magugunitang sumailalim sa tatlong oras na operasyon sa kaniyang tiyan ang Santo Papa noong Hunyo 7.