-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapagaling ni Pope Francis ilang araw matapos na siya ay maoperahan sa tiyan.
Ayon sa Vatican spokesperson Matteo Bruni na ipinagpatuloy ng 86-anyos na Santo Papa ang ilan nitong trabaho haban nasa Gemilli hospital sa Rome.
Dagdag pa nito na sa gabi ay nakakatulog at nakakapagpahinga ito at nag-iimprove din aniya ang kaniyang clinical situation.
Normal din naman aniya ang kaniyang post-operative recovery.
Pinayagan din ng mga doctor ang Santo Papa na magbigay ng kaniyang traditional na noon prayer kada linggo mula sa balcony ng 10th floor ng Gemelli hospital.
Magugunitang sumailalim sa tatlong oras na operasyon ang Santo Papa dahil sa kaniyang abdominal hernia.