-- Advertisements --

Muling nanawagan si Pope Francis na dapat matigil na ang kaguluhan sa Ukraine.

Ikinakabahala din ng Santo Papa ang malaking disgrasya sakaling tamaan ang Zaporizhzhia power plant.

Kinondina din nito ang mga nagaganap na galit sa kalagitnaan ng giyera.

Hindi rin nakaligtas na batikusin ni Pope Francis ang mga negosyante ng armas na siyang kumikita sa giyera.

Nakatakdang dumalo ang Santo Papa sa darating na Setyembre 13-15 sa Kazakhstan kung saan inaasahan na makakausap niya si Russian Orthodox Patriach Kirill na siyang sumuporta sa giyera sa Ukraine.