-- Advertisements --

Nakatakdang pulungin ni Pope Francis sa susunod na linggo ang mga kaanak ng mga bihag ng Hamas militants.

Ayon sa Vatican na makakapulong din nito ang mga delegasyon mula Palestine na mayroong kaanak na nasa Gaza.

Magaganap aniya ang pagpupulong nito sa araw ng Miyerkules.

Magugunitang isa ang Santo Papa sa nanawagan ng ceasefire sa Israel at ang pagpapalaya ng mga Hamas sa mga hawak nilang bihag.