-- Advertisements --
Itinuon ni Pope Francis sa pamamahinga ang unang araw niya sa pagamutan matapos ang matagumpay na operasyon sa tiyan nito.
Ayon sa Vatican na naging stable na ang bloodwork at respiratory level ng 86-anyos na Santo Papa.
Nasa liquid diet ito at nakatanggap ng communion ganun din ay nakakagamit na rin ito ng kaniyang telepono.
Magugunitang dumaan sa tatlong oras operasyon sa pagamutan sa Roma ang Santo Papa para sa kaniyang hernia.
Sinabi naman ni Doctor Sergio Alfieri, ang nag-opera sa Santo Papa sa Gemelli hospital, na maaring magtagal ng hanggang limang araw sa pagamutan si Pope Francis.