Inihayag ni Pope Francis ang pangangailangang repormahin ang United Nations.
Ito ay may kaugnayan sa nangyaring pandemya ng Covid-19 at ang digmaan sa Ukraine na naglantad sa mga limitasyon nito.
Sinabi ng pontiff ng Argentine na ang pagsalakay ng Russia sa Ukraine noong Pebrero ay binigyang diin ang pangangailangang tiyakin na ang kasalukuyang multilateral structure
lalo na ang UN Security Council ay nakakahanap ng “mas maliksi at epektibong paraan ng paglutas ng mga salungatan o conflicts”.
Sa panahon ng digmaan, mahalagang pagtibayin na kailangan natin ng mas maraming multi-lateralism at mas mahusay na multi-lateralism.
Dagdag pa ng Santo Papa na itinatag ang organisasyon upang maiwasang maulit muli ang mga kakila-kilabot ng dalawang World Wars.