-- Advertisements --
Nagpahayag ng pagkakaisa at pagkaawa si Pope Francis sa mga biktima ng bagyong Agaton sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Sa kaniyang sulat na ipinaabot ni Cardinal Pietro Parolin ang Secretary of State, kay Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, nakasaad doon ang pakikidalamhati ng Santo Papa sa mga biktima ng bagyo.
Tiniyak nito ang pagdarasal sa mga nasawi at nasugatan ganun ang mga nawalan ng tahanan at hangad nito ang agarang paggaling.
Magugunitang aabot sa mahigit 100 na ang nasawi dahil sa bagyong Agaton kung saan karamihan sa mga dito ay mga nakatira sa Eastern at Western Visayas.