-- Advertisements --

Nagkaroon ng simpleng pagdiriwang si Pope sa kaniyang ika-12 anibersaryo na pag-upo sa puwesto.

Nagdala ng birthday cake na may kandila ang mga medical staff ng Gemelli Hospital sa Rome bilang pagbati sa kaniyang anibersaryo.

Ayon sa Holy See Press Office, na nakibahagi rin ang Santo Papa sa pamamagitan ng online ng Spiritual Exercises sa Roman Curia.

Ipinagpatuloy din ng Santo Papa kaniyang respiratory therapy kung saan pinag-palit-palit nito ang non-invasive mechanical ventilation sa gabi at high-flow oxygenation sa nasal cannulas sa umaga.

Sa isang buwang pananatili nito sa pagamutan ay mas bumuti na ito ngayon kumpara noong mga una hanggang tatlong linggo ng Santo Papa.

Hindi naman matiyak pa ng Vatican kung hanggang kailan sila mananatili sa nasabing pagamutan.