-- Advertisements --
Muling nanawagan si Pope Francis na pagtigil ng giyera sa Gaza at ang pagpapalaya sa mga bihag na hawak ng mga Hamas.
Ito ang naging mensahe ng Santo Papa sa kapaskuhan sa harap ng ilang libong katao sa St. Peter’s Basilica sa Vatican.
Nanawagan din ito ng mas maraming tulong sa Gaza para maresolba ang deseperadong sitwasyon sa lugar.
HIndi rin kinalimutan ng Santo Papa na ipinanawagan ang kapayapaan sa Ukraine na magdadalawang taon na sa darating Pebrero.
Kabilang sa ipinagdasal ng Santo Papa ang pagtulong sa mga migrants ganun din ang pagresolba sa mga nagaganap na kaguluhan sa iba’t-ibang mga bansa.