-- Advertisements --

Hindi nagsasawang manawagan si Pope Francis ng ceasefire sa nagaganap na kaguluhan sa Ukraine at Gaza.

Sa ginawang misa nito sa St. Peter’s Square, sinabi nito na walang panalo tuwing may giyera.

Dagdag pa nito na mahalaga na dapat ay mamamagitan na tayo sa pag-negotiate para tuluyan ng matigil ang anumang uri ng giyera.

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay umani ng batikos si Pope Francis matapos na sabihin nitong nararapat na sumuko na lamang ang Ukraine para matigil na ang giyera nila sa pagitan ng Russia.