-- Advertisements --

Ibinunyag ni Pope Francis na mayroon na itong pinirmahan na resignation letter na kaniyang gagamitin sakaling tuluyang lumala ang kaniyang sakit at hindi na magampanan ang kaniyang tungkulin.

Sinabi nito na noon pang 2013 ay pumirma na ito ng sulat at ibinigay sa Vatican Secretary of State noon na si Cardinal Tarcisio Bertone.

Dahil sa pagbibitiw ni Bertone noong 2013 ay hindi na alam ng 86-anyos na Argentinian pope kung saan nito ipinasa ang sulat.

Gaya rin aniya ng mga nagdaang Santo Papa na sina Paul V at Pious XII ay gumawa na rin ang mga ito ng renunciation sakaling magkaroon ang mga ito ng permanenteng sakit at mabaldado.

Magugunitang nagbitiw sa puwesto ang pinalitan nito na si Pope Benedict XVI dahil sa edad na rin.

Siya ang unang Santo Papa na bumaba sa halos 600 taon na ang huli ay si Gregory XII noong 1415.