-- Advertisements --

Lalabas na ngayong araw Hunyo 16 sa pagamutan si Pope Francis matapos ang operasyon nito.

Ayon sa Vatican na pinayuhan na siya ng kaniyang mga doctor sa Gemeli hospital sa Roma at sinabi na maari na itong lumabas.

Walang nakitang anumang problema sa kaniyang kalusugan at patuloy ang paggaling nito.

Inaasahan naman na magbabalik na ang Santo Papa sa mga public engagement nito sa Vatican.

Magugunitang noong Hunyo 7 ng inoperahan sa tiyan ang Santo Papa kung saan pinayuhan ito ng mga doctor niya na manatili ng mahigit isang linggo sa pagamutan para ito tuluyang gumaling.