-- Advertisements --

Tuloy na ang pabiyahe sa Bahrain ni Pope Francis sa buwan ng Nobyembre.

Ayon sa Vatican na magiging kauna-unahan ang 85-anyos na Santo Papa na bibisita sa majority-Muslim Persian Gulf country.

Magtutungo ito sa Manama at city of Awali mula Nobyembre 3 hanggang 6.

Ito na ang pang-39 na pagbiyahe ng Santo Papa sa ibang bansa mula ng maupo noong 2013.

Magugunitang pinayuhan na siya ng kaniyang doctor dahil sa pananakit ng kaniyang tuhod na kailangan na niyang mag-wheelchair.