VATICAN CITY – Kinodena ni Pope Francis ang kambal na insidente ng suicide bombing sa Iraq.
Sa isang mensahe na ipinadala ng Vatican kay Iraqi president Barham Salih, tinawag na “senseless act of brutality” ng Santo Papa ang krimen na kumitil sa buhay ng 32 katao.
Batay sa report, higit 100 katao ang sugatan dahil sa twin suicide bombing na nangyari sa isang palengke sa Baghdad.
Nagpaabot naman ng dasal si Pope Francis sa mga nawalan ng mahal sa buhay, at mga nagpapagaling pang pasyente.
“In deploring this senseless act of brutality, he (the pope) prays for the deceased victims and their families, for the injured and for the emergency personnel in attendance.”
Umaasa raw ang lider ng Simbahang Katolika na matututunan din ng mga Iraqi na magkaisa para maitaguyod ang kapayapaan.
Nakatakdang bumisita si Pope Francis sa Iraq sa March 5 hanggang 8. Hindi naman ito nagpahayag kung makakansela ang kanyang biyahe dahil sa suicide bombing incident.
Kabilang sa mga pupuntahan ng Santo Papa ang Baghdad at apat na bayan sa nasabing bansa. (report from Reuters)