-- Advertisements --
Pope Francis
Pope Francis

Kinondena ni Pope Francis ang muling pagsibol ng karahasan sa Middle East at nanawagan sa magkabilang panig sa tunggalian ng Israeli-Palestinian na dapat pagtuunan ng pansin ang paghahanap ng kapayapaan.

Aniya, mula noong unang bahagi ng taon, dose-dosenang mga Palestinian na ang napatay sa mga sagupaan sa hukbong Israeli.

Dagdag dito , binanggit ni Pope Francis ang 10 Palestinians, kabilang ang isang babae na nasawi sa isang Israeli army raid sa isang refugee camp sa West Bank, at isang pag-atake noong Biyernes ng Palestinian gunman na pumatay sa pitong Israeli sa labas ng silangang Jerusalem.

Kung matatandaan, hindi bababa sa 26 na Israelis at 200 Palestinian ang napatay sa buong Israel at mga teritoryo ng Palestinian noong taong 2022.