-- Advertisements --

Kinondina ni Pope Francis ang ginawang panununog ng isang indibidwal sa Sweden ng librong Quran.

Ayon sa Santo Papa na talagan nakakagalit at nakakadismaya ang makitang binabastos ang banal na libro ng mga Muslim.

Dagdag pa nito na anumang libro na maituturing na banal ay dapat irespeto gaya ng mga rumepesto na mga naniniwala dito.

Magugunitang isinagawa ng isang lalaki ang pagsunog sa Quran sa labas ng mosque sa Stockholm, Sweden na isinabay pa sa pagdiriwang ng Eid al-Adha.