-- Advertisements --

Hindi makakadalo si Pope Francis sa state funeral ni Queen Elizabeth II sa susunod na linggo.

Ito ang kinumpirm ang Vatican matapos na isa ang Santo Papa na inimbitahan sa nasabing pagtitipon.

Papalit na lamang sa kaniya si Most Reverend Paul Gallagher ang secretary for relations with states and international organizations.

Magugunitang kakarating lamang sa Vatican ni Pope Francis mula sa tatlong araw na pagbisita sa Kazakhstan para sa isinagawa nilang pulong ng ilang mga mataaas na opisyal doon.