-- Advertisements --

Bibisita sa darating na Hulyo 24-30 si Pope Francis sa Canada.

Ayon sa Vatican na personal na hihingi ng paumanhin ang Santo Papa sa residential schools na pinapatakbo ng simbahan doon kung saan maraming mga kabataan ang inabuso.

Ilang mga lungsod din na dadalawin ng Santo Papa ang Edmonton, Quebec at Iqaluit.

Sinabi naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na mahalaga ang personal na paghingi ng Santo Papa ng paumanhin sa mga biktima ng pang-aabuso.

Nauna ipinagpaliban ng Santo Papa ang pagbisita nito sa Lebanon sa darating na Hunyo dahil sa pamamaga ng kaniyang tuhod.