Kinumpirma ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla na kanilang pinaghahandaan na ang paghahain ng kasong plunder laban kina former House of Representatives Speaker Martin Romualdez at former Senate President Chiz Escudero.
Aniya’y may kaugnayan ito sa kanilang pagkakasangkot umano sa isyu ng korapsyon sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.
Sinasabi kasing nagkaroon ng sabwatan o ‘conspiracy’ ukol sa proseso ng paglalaan sa pondo ng pamahalaan noong mga taong 2024 at 2025.
Plano at inaasahan maihahain na ng pormal ang kasong plunder laban sa mga dating lider ng kongreso sa susunod ng buwan ng Mayo.
Sa kasalukuyan kasi ay isinasapinal at tinatapos pa ng tanod-bayan ang mga dokumentong kinakailangan para mabuo ang kasong isasampa.
Bagama’t sina Sen. Escudero at Rep. Romualdez ang pinangalanan, ayon kay Ombudsman Remulla na mayroon pa silang iba na iniimbestigahan rin.














