-- Advertisements --
image 67

Mayroon pa ring aasahan na fuel susidies ang pampublikong trasportasyon at sektor ng agrikultura sa susunod na taon matapos panatilihin ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para dito sa national expenditure program para sa 2024.

Sa palace briefing, sinabi ni Budge Secretary Amenah Pangandaman na naglaan ang ahensiya ng P2.5 billion para sa fuel subsidies ng mga tsuper at operator ng pampublikong transportasyon sa ilalim ng panukalang pondo ng Department of Transportation (DOTr).

Sa ilalim ng fuel subsidy program ng DOTr, nasa mahigit P6,000 halaga ng fuel vouchers ang ipinagkaloob sa kwalipikadong mga tusper ng PUV, taxi, tricycle at full time delivery service sa buong bansa sa layuning maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Gayundin, naglaan ang ahensiya ng P1 billion mula sa 2024 NEP para sa fuel assistance para sa mga magsasaka at mangingisda sa ilalim ng Department of Agriculture.

Sa ilalim naman ng fuel subsidy ng DA, nagbigay ng P3,000 halaga ng fuel discounts para sa mahigit 300,000 magsasaka at mangingisda sa layong matiyak na hindi maapektuhan ang agricultural production sa kabila pa ng pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.