-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Prayoridad ngayon ng Kongreso ang mga rekomendasyon na naglalayong mabigyan ng solusyon ang mga problema ngayong panahon ng COVID-19 crisis.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Butuan City at Agusan del Norte 1st District Rep. Lawrence Lemuel Fortun, sinabi nitong prayoridad nila ang pagpasa ng stimulus package para sa education sector.
Ito ay sa gitna nang pagsusulong ng CHED at DepEd sa pagkakaroon ng flexible learning sa academic year 2020-2021.
Ayon sa kongresista, kailangan ng maraming mga paaralan, unibersidad at kolehiyo sa bansa ang tulong ng pamahalaan para sa flexible learning.
Kaya mahalaga aniya na maipasa nila ang kanilang isinusulong na economic stimulus package.