Tiniyak ng Malacañang na makakukuha rin ng ayuda ang mga benepisaryo sa Bataan at Laguna na kasali na rin sa enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nag-request na ang DBM sa Office of the President ng pondong magsisilbing financial assistance sa mga taga-Laguna.
Ayon kay Sec. Roque, naglaan ang DBM ng P2.725 billion sa Laguna, batay sa isinumiteng computation ng DILG at sa actual number beneficiaries .
Sinabi naman ni DSWD Sec. Rolando Bautista na para sa Bataan, patuloy ngayong dinidetermina kung ilan ang mga benepisaryo batay sa rekomendasyon ng Bataan LGU at magkano ang halagang katumbas nito.
Tiniyak naman ni Sec. Roque na sapat ang savings at dividendo ng gobyerno na gagamitin para sa pamamahagi ng ayuda sa mga lugar sa bansa na nasa ilalim ng ECQ.