-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Dapat nakatuon sa mas importanteng pangangailangan ang anumang pondo ng Department of Education.

Ito ang naging pahayag ni Benjo Basas, chairperson ng Teachers Dignity Coalition hinggil sa hinihingi ng Department of Education na P150 milyong confidential funds para sa taong 2023

Ayon kay Basas, kung tutuusin ay maliit ang nasabing halaga pero malaki ang maitutulong nito gaya halimbawa sa Sped program, reading program at iba pangangailangan sa pagtuturo.

Giit ni Basas na ito rin ang pangkalahatang sintemyemto ng mga guro.

Saad niya na mas maganda na ang anumang budget na availbale ay gugulin sa mas higit na pangangilangan ng DEPED sa pagbubukas ng klase.

Matatandaan na dinepensahan ng DepEd ang hinihingi nitong P150 million confidential fund sa ilalim ng proposed 2023 budget nito.

Ayon kay Vice president Sara Duterte , ang paggamit ng confidential funds ay pinapayagan sa ilalim ng Joint Circular 2015-01 sa limang departamento ng pamahalaan kabilang na ang Department of National Defense at Department of Budget and Management.

Hindi lang aniya ito ginagamit para sa surveillance activities kundi sa civilian government agencies para magawa ang mandato nito.

Malaking hamon aniya ang kinakarap ngayon ng DepEd na mangangailangan ng confidential funds tulad ng pagkakasangkot ng ilang guro at estudyante sa mga kaso ng pag -abuso sa illegal drugs, violent extremism, insurgency at terorismo na ang madalas na target ay mga estudyante.