Nanawagan si Secretary of State Mike Pompeo sa China na maging transparent hinggil sa tunay na pinanggalingan ng coronavirus.
Hanggang ngayon daw kasi ay hindi pinapayagan ng Chinese government ang mga American scientists na magtungo sa China at puntahan ang laboratoryo sa Wuhan para masusing pag-aralan ang tungkol sa virus.
“Look, we know it began at one [lab], but we need to figure this out. There’s an ongoing pandemic. We still don’t have the transparency and openness we need in China,” saad ni Pompeo sa isang interview.
Hindi na rin nito naiwasan na pasaringan ang World Health Organization (WHO) dahil sa umano’y hindi nito pagtulong sa Estados Unidos na kumalap ng mga crucial data mula China.
“It is the World Health Organization’s responsibility to achieve that transparency. They’re not doing it. They need to be held accountable,” ani Pompeo.
“And what’s been great is to see other countries around the world to begin to recognize the WHO failures as well.”
Kung maaalala, nagdesisyon si President Donald Trump na pansamantalang itigil ang pagbibigay ng pondo sa WHO dahil sa di-umano’y palpak nitong pangangasiwa sa health crisis.