Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang electoralm protest ni dating Pasig City Mayor Robert Eusebio laban sa nahalal na alkaldeng si Mayor Vico Sotto.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, unanimous ang naging desisyon ng 2nd Division sa poll protest ng dating alkalde.
Batay sa desisyon, bigong mapatunayan ng kampo ni Eusebio ang paratang nito na dinaya ito ni Sotto sa pamamagitan ng pakikialam sa balota ng mga polling precints sa Pasig.
“It (Eusebio’s protest) failed to reflect a detailed specification of the acts or omissions complained of showing the electoral frauds, anomalies, or irregularities in the protested precincts.”
Kung maaalala, lamang ng 100,000 boto si Sotto laban kay Eusebio nitong katatapos lang na eleksyon.
Tinapos ng batang alkalde ang matagal na panunungkulang ng pamilya Eusebio sa Pasig City.