CAGAYAN DE ORO CITY – Inamin ng 403rd Brigade Philippine Army na nalusutan sila ng New People’s Army (NPA) sa nangyaring panghoholdap sa Baungon, Bukidnon.

Sinabi ni 403rd Brigade Commander Colonel Edgardo De Leon sa Bombo Radyo Cagayan de Oro, na hinoldap daw ng mga miyembro ng NPA ang political supporters ng nakaupong mayor at kasalukuyang tumamatakbo bilang vice mayor sa Baungon City.

Ayon kay De Leon, nasa P20,000 ang atangay ng mga rebelde pero isolated case lamang ang insidente.

Samantala, sinubukang hingan ng himpilan ang panig ng inakusahang grupo sa pamamagitan ni North Central Mindanao Command spokesperson Ka Malem Mabini ngunit wala pa itong komento.