-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naniniwala ang isang political analyst na mas makakabuting gumamit ng salitang english sa mga ginaganap na debate sa kongreso upang maintindihan ng nakakaraming Pilipino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Michael Henry Yusingco, isang political analyst na ang bayan natin ay mayroong halos dalawang daang native languages at kung sakali mang mayroong isang senador na magsasalita ng kanyang native language ay marami ang hindi nakakaintindi.

Subalit kung gagamit ng Ingles ay mahigit siyamnapong bahagdan o halos siyamnaput limang bahagdan ang nakakatindi ng English language at maraming Pilipino ang makakaintindi.

Sang-ayon din si Atty. Yusingco sa pahayag ni Senate President Tito Sotto na walang rules sa senado na nagbabawal sa isang mambabatas na makipag-debate sa tagalog tulad ni Senator Elect Robin Padilla.

Ngunit nilinaw ni Atty. Yusingco na nakalagay sa ating saligang batas na ang official language ay English at Filipino dahil dito ang mga batas natin at ang mga korte ay gumagamit ng Inglish .

Natural na rin ito dahil ang mga batas at mga korte ay gumagamit ng English kayat maging ang malakanyang, lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan at mga forms ay nakasaad lahat sa Inglish

Naging tradisyon na sa mga kongreso na English ang ginagamit dahil ang salita ng pamahalaan in terms of laws and forms ay Ingles.

Kapag iginiit din ni Senador Elect Padilla na makipag-debate sa salitang tagalog ay marapat lamang na tanggapin din nito na mayroong ilang kababayan ang hindi makakaintindi sa kanya.