-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinurong suspek sa panibagong pagsabog sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao police provincial director Col. Arnold Santiago na sumabog ang isang high explosive projectile mula sa M79 grenade launchers sa likurang bahagi ng Municipal Police Station (MPS) at municipal hall sa Shariff Aguak, Maguindanao.

Wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga sibilyan.

Sinabi naman ni Shariff Aguak Mayor Marop Ampatuan na posibleng pananakot ang motibo sa pagsabog dahil may nakakulong na high value suspect sa costudial facility ng PNP.