-- Advertisements --

Inanunsyo ni Police Regional Office-7 Director PBGen Anthony Aberin na simula ngayong Sabado, Hulyo 8, magkakaroon na ng bagong provincial director ang Negros Oriental.

Ito ay sa katauhan ni Regional Mobile Force Battalion-7 Commander PCol Ronan Claravall.

Sinabi pa ni Aberin na kasabay din ng araw na iyon ay isasagawa ang turnover ceremony.

Ginawa nito ang pahayag kasabay ng isinagawang send-off ceremony nitong Biyernes ng hapon, sa 100 augmentation force na ipapadala sa Negros Oriental.

Nilinaw naman ni Aberin na ang mga ito’y ipinadala sa lalawigan hindi para maiwasan ang insurhensiya o terorismo kundi para makita ng mga tao na secured sila at walang dapat ipag-alala.

Ang mga ito’y magsisilbing police visibility, magpatrolya at magsagawa ng mga checkpoint operations upang maiwasan ang krimen.

Pangunahing layunin ng augmentation ay igarantiya ang kaligtasan ng mga NegOrenses, matatag at mapayapang kapaligiran na nagsusulong ng epektibong electoral process para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

May mga naitatala pang mga krimen sa nasabing lalawigan sa mga nakalipas na araw kaya marapat lamang na magpadala ng karagdagang pwersa para madama ng mamamayan na ligtas sila at talagang may peace and order sa lalawigan.