CEBU – Pina-imbetigahan na ng Cebu Provincial Police Office ang isang Police Officer na nahaharap sa reklamo matapos umanong hinalay nito ang 17 anyos na babaeng katulong.
Pansamantalang nakakulong ang naturang Police Officer na tinatago lang muna ang kanyang pagkaka kilanlan habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu sa naging immediate supervisor nito, kinumpirma na walang problema sa kanyang serbisyo bilang alagad ng batas ang nasabing police official dahil magaling ito sa kanyang trabaho, hindi nagre-reklamo at hindi kailan man inu-ugnay sa kahit anong issue bilang police officer kaya laking gulat na lang ng mga kasamahan nito matapos lumitaw ang reklamong sexual abuse laban nito.
Napag-alaman na isa sa ikinalito ng pulisya ang naging statement ng biktima na hindi umano tumugma sa mismong reklamo nitong rape dahil lumitaw sa statement ng menor de-edad na isang paghihigante lang umano ang ginawa nitong reklamo laban sa pulis dahil inakusahan siyang nagnakaw ng pera.
Pinayuhan na rin ng pulisya ang biktima na sasailalim ng medical test para sa karagdagang ebidensiya.










