Reading Time: 1 minute

CEBU CITY – Nakatakdang kasuhan ang isang police officer matapos umano itong mahulihan ng iligal na droga sa Sitio Caimito, Barangay Basak Pardo sa Lungsod ng Cebu.

Huli sa isinagawang buy bust operation si Police Corporal Rogelio Atillo na kasalukuyang nakadestino sa Drug Enforcement Unit ng Labangon Police Station.

Ayon sa hepe ng Pardo Police Station na si Major Regino Maramag, nakatanggap sila ng report patungkol sa diumano’y pagkakaugnay sa illegal drug trade ng nasabing police officer.

Dagdag pa ni Maramag na biglang umalis si Atillo sa police station nang mabalitaan niya ang sinasabing operasyon.

Nasabat mula sa subject ang 25 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P170,000 at nakumpiska rin ang service firearm na Glock 17 pistol at P27,000 na marked money.

Nakakulong na si Atillo sa detention cell ng Cebu City Police Office at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangeorus Drugs Act.