-- Advertisements --

Arestado ang isang pulis dahil sa pagbebenta ng iligal na droga.

Isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang drug buybust operation sa Zabarte Road at Camarin Road sa Brgy. 172 kung saan bibili ang ahente nila na nagpanggap na buyer sa isang suspek ng kalahating kilong na shabu.

Matapos ang transaksyon ay agad na tinutukan nila ang subject at nagulat na lamang sila na isang pulis ang kasama ng suspek.

Mabilis din na tumakas ang kasamahan ng mga suspek na mga pulis din umano ang mga ito.

Kinilala ang pulis na si Police Corporal Mark Jefferson Lopez na nakatalaga saia isang police precint ng Caloocan City.

Dinisarmahan na rin ng mga opisyal ng Northern Police District (NPD) ang mga kasamahan ni Lopez para imbestigahan kung sila ay may kinalaman sa bentahan ng iligal na droga.