-- Advertisements --

Nagpadala ng maraming bilang ng tangke ang Poland sa Ukraine.

Sinabi ni Polish President Andrzej Duda, na dahil sa pagpapadala nila ng maraming tanke sa Ukraine ay nabawasan ang kanilang defense capabilities.

Dagdag pa nito na umaasa na lamang ngayon ang Poland sa suporta mula sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) at USA ganun din ang Germany.

Hindi naman nito binanggit kung ilan ang bilang ng T-72 tanks ang kanilang ipinadala.

Sa kasalukuyan kasi ay ginagamit ng mga sundalo ng Poland ang German Leopard 2 tanks.

Magugunitang noong Abril ay inamin ni Polish Prime Minister Mateusz Morawiecki na nagpadala sila ng mga tanke sa Ukraine.