-- Advertisements --
Magbibigay ang Poland ng 14 na Leopard 2 na tangkeng pangdigma sa Ukraine.
Ayon kay Polish foreign minister spokesperson Lukasz Jasina na posible sa mga susunod na linggo ay maidedeliver na ang nasabing mga tangke.
Dagdag pa nito na suportado nila ang hiling ng Ukraine na magpadala ng mga fighter jets subalit kailangan pa umano ng approval mula sa North Atlantic Treaty Organizations (NATO).
Ang nasabing hakbang aniya ay bilang pagpapakita sa Ukraine na suportado nila sa paglaban kontra sa pananakop ng Russia.










