-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakakaranas ngayon ng flight crisis ang bansang Poland at iba pang bansa sa Europe dahil sa kawalan ng empleyado sa kanilang airport.

Ayon kay Bombo International Correspondent Neva Intrepedo direkta sa Poland, dahil summer na, marami ang mga Europeans na gustong magbakasyon.

Ngunit, halos lahat ng mga airports and hindi fully functional dahil sa kakulangan sa mga tauhan.

Maraming flights ang kanselado at 70-80 ng flights ang delayed.

Ito ay dahil sa sobra-sobrang trabaho na ibinibigay sa kanila bungsod ng kakulangan ng personnel.

Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, maraming mga staff ang pinaalis dahil sa mababang numero ng flights sa kada araw.

Noong bumalik na sa normal, marami ang hindi na bumalik pa kaya’t doble-doble ang trabaho ng mga bumalik na personnel.

Dahil dito, ang mga personnel ay sumasagawa ng strikes dahil sa hindi pagtupad ng gusto nila na dagdagan ng 40% ang kanilang sahod.

Patuloy rin ang negotiation sa kanila ng gobyerno at may ilan ring airline companies na nagpaplanong tumigil na ng operasyon.