-- Advertisements --
Binati pa rin ng komediyanteng si Pokwang ang dating asawa na Lee O’Brian sa kaarawan nito.
Sa kaniyang social media ay makikitang sinurpresa ng komedyante ang asawa kahit na sila ay hiwalay na umano.
Kasama nilang nagdiwang dalawang anak na sina Malia at Mae.
Umani naman ng magkakahalong reaksyon ito mula sa kaniyang fans habang ang ilan ay nais nilang makita na magkabalikan ang dalawa.
Magugunitang noong nakaraang taon ay ibinunyag ng komediyante na hindi na sila nagsasama sa iisang bahay ng dating asawa.