Inilabas na ng Social Weather Station (SWS) ang resulta ng pinakabago nilang senatorial survey para sa May midterm elections.

Batay sa survey na isinagawa mula Pebrero 25 hanggang 28, nanguna pa rin si re-electionist Sen. Grace Poe kasunod sina re-electionist Sen. Cynthia Villar, dating Special Assistant to the President (SAP) Bong Go, Taguig Rep. Pia Cayetano, dating Sen. Lito Lapid, re-electionist Sen. Sonny Angara, Nancy Binay, dating Sen. Jinggoy Estrada, dating DILG Secretary Mar Roxas, Sen. Bam Aquino, dating Sen. Bong Revilla at pang-12 si dating PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa.

Nasa ika-13 pwesto naman si dating Senate Pres. Koko Pimentel habang ika-14 si dating Sec. Francis Tolentino.

Si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ay nasa ika-15 pwesto at pang-16 si dating Sen. Serge Osmeña.