-- Advertisements --

Naniniwala si Senator Grace Poe na hindi pababayaan ng gobyerno at mga otoridad na makompromiso ang kaligtasan ng mga bata kasabay ng kanilang binabalak na pagluluwag sa mga umiiral na quarantine restrictions.

Ayon kay Poe, tila bumaliktad ang buhay ng mga kabataan dahil hindi na nila nagagawa ang kanilang normal na aktibidad bunsod ng coronavirus pandemic.

Naging malaking pagsubok din aniya para sa mga kabataan ang manatili lamang sa loob ng kanilang mga tahanan sa loob ng walong buwan.

Subalit hindi pa rito natatapos ang laban ng bansa kontra sa nakamamatay na sakit lalo na at nagpapatuloy pa rin ang development ng pinaka-mabisang bakuna.

Dagdag pa ng senador, patuloy din ang ginagawang paghahanap ng gobyerno para makakuha ng sapat na pondo na gagamitin para mamahagi ng libreng shots ng COVID-19 vaccine sa mga most vulnerable sectors at tunay na nangangailangan.

Kasama na rito ang murang presyo ng bakuna para sa lahat.