-- Advertisements --
Kinumpirma ng China na naglayag ang pinakabagong aircraft carrier nito sa may Taiwan Strait.
Ayon sa China, ang Fujian, na ikatlo at pinakabagong aircraft carrier nito, ay nagsagawa ng scientific research trials at training mission sa pinagtatalunang karagatan.
Sa kasalukuyan, sinusubok pa lamang ang kapasidad ng Fujian sa karagatan.
Ang kasalukuyang operational ay ang dalawang carriers ng China na Liaoning at Shandong.
Sa mga nakalipas na taon, naglaan ang China ng bilyun-bilyong dolyar sa pagsasamoderno ng kanilang militar, na ikinabahala naman ng iba pang bansa sa East Asia, kahit pa iginigiit ng Beijing na mapayapa ang layunin nito.












